Nanuntok sa traffic enforcer tutuluyan ng MMDA

SASAMPAHAN na ng kaso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang umano’y empleyado ng isang kilalang kompanya ng sigarilyo na nanuntok ng traffic enforcer sa Quezon City.

Base kay Atty. Yves Gonzales, Director 3 ng Traffic Discipline Office ng MMDA, handa na sila na isampa ang kasong direct assault kasama ang Quezon City Prosecutor’s Office makaraang pagmumurahin at suntukin sa kaliwang mukha ng suspek na si Robert Blair Carabuena si Saturnino Fabros, tauhan ng TDO-MMDA nang sitahin ng huli ang una ukol sa batas-trapiko.

Matatandaang naganap ang insidente noong Agosto 11, bandang alas-2:30 ng hapon sa Tandang Sora makaraang dumiretso ang sasakyan ni Carabuena kahit naka-red light na.

Isang viral video na sa social networking sites ang sinasabing video ng pananapak ni Carabuena kay Fabros.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply