Nasirang dam ng Philex Mining Corp. inaayos na

BAGUIO CITY – Inaayos na ngayon ng Philex Mining Corporation (PMC) ang nasirang tailings dam ng nasabing minahan sa Padcal, Tuba, Benguet.

Ang nasabing tailings dam ay nakitaan ng tagas ng tubig dahil hindi umano nito nakayanan ang level ng tubig dulot ng patuloy na pag-ulan.

Ipinag-utos na rin ng pamunuan ng PMC na pansamantala munang itigil ang operasyon ng naturang minahan sa loob ng isang buwan.

Sa pahayag ni Benguet Gov. Nestor Fongwan, kasalukuyang iniimbestigahan ng Mines and Geo-Sciences Bureau (MGB) ang pagkasira ng isa sa mga dam ng minahan dahil sa dalawang linggong pagbuhos ng ulan.

Sinabi ni Fongwan, na umabot na rin sa Agno River ang tubig at ibang kemikal na nagmumula sa minahan kung kaya’t inaalam ngayon ng MGB kung ano ang magiging epekto nito sa ilog.

Gayunpaman, una na ring nilinaw ng Philex na hindi naman mapanganib sa kapaligiran ang mga non-toxic chemicals na lumalabas mula rito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply