Nasirang pumping stations, nagpalala sa baha

ISINISI ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pagkasira ng tatlong pumping stations sa Taguig na naging dahilan ng biglang pagtaas ng lebel ng tubig-baha sa lungsod.

Kaugnay nito, pinasinungalingan naman ng alkalde ang kumalat na impormasyon na nagkulang umano ang lokal na pamahalaan at hindi nila pinapayagan ang pagpa-pump ng tubig para humupa ang lebel ng baha sa kanilang lugar.

Ayon kay Cayetano, batay sa nakalap na report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasalukuyang kinukumpuni ang tatlong pumping stations sa Taguig kabilang na ang Hagonoy na nasiraan ng dynamo, Wawa na inabot ng baha ang utility box at Napindan na naubusan ng gasolina.

Iginiit ng alkalde na batay sa kanilang point person na si Mr. Paul Hipolito, ang tatlong pumping stations sa Taguig ay kasalukuyang kinukumpuni para magamit para humupa ang paglubog sa mga lugar na apektado ng tubig baha.

Ginawa ni Cayetano ang paglilinaw dahil maraming residente na ang nagtatanong kung bakit tumaas ang tubig sa 10 barangay ng First District gayong hindi naman kalakasan ang pag-ulan ngayon.

Malaki ang paniwala ng alkalde na makapagbibigay din ng pahayag ang MMDA para mas maipaliwanag sa mga residente ang dahilan ng pagbaha.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply