National Day of Mourning idineklara ni PNoy

IPINAHAYAG ng Malacañang ang National Day of Mourning sa pagpanaw ni Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo.

Ang Proclamation No. 460 ay pinirmahan ni Pangulong Noynoy Aquino, kung saan magsisimula ang pagluluksa mula ngayong araw ng Martes hanggang sa oras na mailibing si Sec. Robredo.

Kasunod nito, ipinag-utos ng Palasyo ang paglalagay sa half-mast sa lahat ng bandila ng Pilipinas bilang pagbibigay pugay sa namayapang kalihim.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply