National greening program, pag-iibayuhin ng DENR

MAS pasisiglahin pa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kampanya sa pagtatanim ng mga punongkahoy para maiwasan ang mga pagbaha, ito ang pahayag ni DENR Sec. Ramon Paje.

Ani Paje, sa ilalim ng National Greening Program, plano nilang makapagtanim ng 1.5 bilyong punongkahoy sa may 1.5 milyong ektaryang kagubatan kung saan may 71 milyong seedlings na ang naitatanim sa may 140,000 nakakalbong kagubatan.

Malaking tulong umano ito upang mabawasan ang pagbaha kapag malakas ang ulan.

Lumikha naman ang naturang programa ng 300,000 trabaho.

Ito na ang ika-2 sa anim na taong greening program na siyang pinakamalaking reforestation project sa kasaysayan.

Para sa taong ito, 77 milyong puno ang nais maitanim sa may 150,000 ektaryang lupain na may pondong umaabot sa P2.7 bilyon at aakyat sa P5.7 bilyon sa susunod na taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply