National Heroes’ Day ginugunita ngayon

GINUGUNITA ngayong araw ang National Heroes’ Day sa bansa.

Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang nasabing pagdiriwang ngayong umaga.

Sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig CIty, ay nagbigay ng kanyang mensahe si Pangulong Aquino kaugnay ng naturang okasyon.

Sa kanyang mensahe sinabi ng Pangulo na bawat mamamayan ay mayroong maiaambag, malaki o maliit man.

Sinabi rin ng Pangulo na araw-araw ay maaaring maipakita ng bawat isa ang kabayanihan.

Sa pamamagitan ng 21-gun salute, nagbigay pugay naman para sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa Pilipinas.

Maging ang mga sibilyang tumulong sa rescue operations sa nakaraang pagbaha matapos na manalasa ang ulang Habagat ay kinilala rin ngayong araw.

Kaugnay nito, idineklarang regular holiday ngayong araw para gunitain ng mga FIlipino ang bayani na nagbuwis ng kanilang buhay para sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply