Natural gas sa Malampaya, gamitin sa transportasyon – solons

NANAWAGAN ang grupong Bayan Muna sa administrasyong Aquino na gamitin ang natural gas na naaani sa Malampaya sa pang-masang transportasyon.

Ito ang panukala nila Bayan Muna congressmen Teddy Casino at Neri Colmenares upang maibsan ang mamamayan sa epekto ng sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa dalawang mambabatas, panahon na upang i-convert ang mga bus na gumamit ng compressed natural gas imbes na krudo na ina-angkat pa at mas madumi.

Patuloy diumano na maghihirap ang mamamayan kung aasa pa rin sa inaangkat na krudo ang industriya ng transportasyon samantalang mayroon namang magagamit na lokal na rekurso katulad ng natural gas.

Tinatayang mayroon pang dalawang trilyong kubiko-metrico ng natural gas sa Malampaya na maari daw magsilbi sa sektor ng transportasyon sa loob ng maraming taon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply