Naudlot na pagkumpirma, pinili ni Robredo

NILINAW ni Senador Vicente Sotto na si yumaong interior and local government Secretary Jesse Robredo ang humiling sa kanya bilang chairman ng committee on interior and local government ng commission on appointment  na ipagpaliban muna  ang confirmation hearing sa kanya noong nakaraang Mayo.

Ayon sa senador, nais ng kalihim na magkausap muna sila ng isa sa mga miyembro ng CA na si Cam. sur Rep. Luis Villafuerte Sr. na may kuwestiyon sa kanyang appointment.

Paliwanag ni Sotto, ito ang dahilan kaya inilipat noong Agosto 15, ang pagdinig, pero dahil sa dami ng trabaho ni Robredo, hiniling ng kalihim na ipagpaliban ang hearing hanggang Agosto 29.

Nauna nang sinabi ng senador na isa pang dahilan ng hindi natuloy na confirmation kay Robredo, noon lang Nobyembre, 2011 isinumite ng Malacanang sa CA ang appointment papers ng kalihim na kung saan July, 2010 pa ito itinalaga ni Pangulong Aquino.

Dahil dito, ani Sotto, inabutan ang kalihim ng Christmas break ng Kongreso at pagbalik ng sesyon noong Enero ay naging abala naman ang Senado sa impeachment trial laban kay dating chief justice Renato Corona.

Dagdag pa ng senador, isa pa umanong dahilan nito ay matagal bago isinumite ni Robredo sa CA ang mga requirement gaya ng statement of assets liabilities and networth at income tax returns.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply