NBI agent, idinawit sa Go kidnapping

MAGSASAGAWA ng mas malalim na pagsisiyasat ang National Bureau of Investigation (NBI) matapos na idawit ng convicted murderer na si Rolito Go na nagpakilalang tauhan ng NBI ang kumidnap sa kanya.

Ayon kay NBI spokesman Cecilio Zamora, nakatutok sila ngayon sa naging testimonya ni Go.

Bukod dito, nais ng ahensya na malaman ang kung may mga tauhan nga ang kanilang ahensya na gumagamit ang posisyon upang makakuha ng pera kung saan sinasabing hinihingan ng abductors ng halagang P1milyon si Go.

Gayunman, aalamin pa rin ng NBI ang buong katotohanan sa naganap na paglabas o pagdukot di umano sa convicted murderer.

Batay sa naging salaysay ni Go, dinampot siya ng nagpakilalang ahente ng NBI at dinala sila ng kanyang pamangkin na nurse na si Clemence Yu sa Batangas at doon siya hiningan ng ransom.

Naging palaisipan naman ang pahayag ni Go na pinalaya rin ito makalipas ang ilang oras kahit pa walang ransom na naibibigay ang kanyang pamilya sa di umanoy mga dumukot sa kanya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply