NBI dinikdik ni Enrile sa Marcos hazing

HINDI natuwa si Senate President Juan Ponce Enrile sa paghinto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinasagawang imbestigasyon nito sa pagkamatay ni Marc Andrei Marcos kaya’t bukod sa nasermunan ang ahensiya, dinikdik pa ng Senate chief.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Senado sa hazing ngayong araw, sinabi ni Enrile na hindi dapat inihinto ng NBI ang imbestigasyon nito sa pagkamatay ni Marcos kahit pa umurong sa kaso ang pamilya ng biktima.

“Kahit nag-withdraw ang pamilya, dapat itinuloy ang imbestigasyon dahil hindi lamang para sa pamilya ang kaso, kundi para sa “People of the Philippines” na siyang regulasyon sa pagtugon ng pamahalaan sa anumang krimen,” ayon kay Enrile.

Dahil dito, sinabi ni Enrile na may mali sa sistemang ipinatutupad ng law enforcement agency tulad ng NBI dahil nakatakda sa batas na dapat ipinagpapatuloy ang imbestigasyon kahit pa walang complainant upang magkaroon ng basehan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas.

“Tungkulin ng gobyerno na ituloy ang imbestigasyon sa kaso kahit nag-withdraw ang pamilya upang hindi na magpaulit-ulit ang partikular na kaso tulad nang nangyari sa paglabag sa Anti-Hazing Act,” paliwanag ni Enrile.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply