NCRPO pinaalalahanan ang mga pulis vs criminal elements

HABANG abala na tumutulong sa mga komunidad na binaha, nagpa-alala ang National Capital Regional Police Office sa mga station at precint commanders ng NCR na magsagawa pa rin ng mga aktibidad laban sa krimen .

Ayon kay NCRPO chief Director Alan Purisima, maraming mga masasamang elemento ang magsasamantala sa kasalukuyang situwasyon, lalo na walang mga mobile patrol sa lansangan dahil sa baha, malakas ang loob ng mga ito.

Marami na umanong report na mga nawalang sasakyan, pinasok na mga bahay , inagawan ng mga mahahalagang gamit sa kasagsagan ng ulan.

Aminado si Purisima na hindi lamang police visibility ang makababawas ng krimen sa Metro Manila kayat inatasan niya ang District Police Intelligence and Operating Unit na tulungan ang kapulisan sa kampanya ng NCRPO na labanan ang kriminalidad .

Naging abala ang mga pulis sa mga rescue operation sa mga lugar na nagkaroon ng mga paglilikas , partikular sa lungsod Quezon, Marikina, San Mateo, Rizal at iba pang karatig na lugar ng Metro Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply