NDF-Bicol nakikidalamhati sa pagpanaw ni Robredo

NAKIKIISA ang National Democratic Front-Bicol (NDF-Bicol) sa pagdadalamhati ng sambayanan sa biglaang pagpanaw ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Ayon kay Greg Banares, tagapagsalita ng NDF-Bicol, malaking kawalan sa maraming Pilipino ang pagpanaw ni Robredo, isang mabuting tao, mapagkumbaba at kaibigan ng marami at ng rebolusyonaryong kilusang masa.

“Taos-puso kaming nakikiramay sa mga kamag-anak ni Jess lalo na kay Atty. Leni Robredo at tatlo nilang anak, at sa lahat ng kaibigan na naulila ni Jess Robredo,” ayon sa pahayag ng NDF-Bicol.

Ang labi ni Robredo ay nakalagak sa Penafrancia Basilica Minero sa Naga.

Bukas, Martes, Agosto 28, ihahatid sa huling hantungan si Robredo. Nasawi ang dating kalihim ng DILG matapos bumagsak ang sinasakyang eroplano sa karagatan ng Masbate noong Agosto 18, ng hapon.

Idineklara ni Pangulong Benigno Aquino na holiday sa Naga bukas para makadalo ang maraming taga-Naga sa paghahatid kay Robredo sa huling hantungan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply