NDRRMC: Bilang ng mga nasawi umakyat sa 49

UMABOT na 49 katao ang bilang ng nasawi  sa malawakang pagbaha dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan dulot ng hanging habagat na nagpalubog sa  kalakhang Maynila at karatig lalawigan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa uIat ng NDRRMC sa kabuuang bilang ng mga biktima, 26 ang nasawi sa National Capital Region; 19 sa Central Luzon; tatlo sa Calabarzon at isa sa Mimaropa.

Ayon sa NDRRMC mahigit sa 2.1 million katao ang apektado ng pagbaha sa 16 na probinsya sa Luzon, Mimaropa, Western Visayas at sa Metro Manila.

Pinakamatinding hinagupit ng habagat ang Central Luzon na apektado ang 1,318,053 katao. Pangalawa ang Metro Manila na mat naitala na 265,715 kataong apektado ng pagbaha,ayon sa NDRRMC.

Iniulat din ng ahensya na may 314,795 katao pa ang nasa iba’t ibang evacuation centers at posibleng tumagal pa ng 48 oras bago makabalik sa kanilang mga bahay.

Abot sa P23,460,767.40 ayuda ang naibigay sa National Capital Region na getting the biggest allocation based on the extent of damages.

Samantala, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) patuloy na makararanas ang Luzon ng epekto ng southwest monsoon.

Sa pinakahuling ulat ng Pagasa sinabi nito na: “‘Northern and Central Luzon and the western section of Southern Luzon will experience occasional rains becoming frequent over the western section of northern and Central Luzon, which may trigger flashfloods and landslides. The rest of the county will be partly cloudy to at time cloudy with isolated rainshowers and thunderstorms.”

 

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply