NDRRMC nakahanda sa bagyong Helen

NAKAALERTO na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pagsalubong sa bagyong “Helen.”

Ayon kay Benito Ramos, executive director ng NDRRMC, palaging nakaalerto ang kanilang hanay kahit hindi pa masyadong nararamdaman ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.

Sa katunayan ayon kay Ramos, nakaumang na ngayon ang 17th Infantry Battalion sa Cagayan.

Maging ang Philippine National Police at Philippine Coast Guard ay nakaposte na rin sa Aparri, Cagayan kung saan nakatakdang mag-landfall ang bagyo.

Umaasa naman si Ramos na kung hindi man nila maabot ang target nilang zero casualty ay maging minimal ang bilang nito sa paghagupit ng bagyong Helen

Samantala, pinayuhan naman ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando ang publiko na doblehin pa ang pag-iingat dahil tiyak na palalakasin ni Helen Hanging Habagat.

Ayon kay Servando, bagama’t pag-iibayuhin ng bagyong Helen ang Habagat ay hindi naman ito maikukumpara sa pananalasa nito noong nakalipas na linggo.

Kaugnay nito, wala pang inilalabas ang PAGASA na rainfall warning partikular sa Metro Manila sa gitna ng nararanasang malawakang pag-ulan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply