NDRRMC: Nasawi sa habagat umakyat pa sa 92 katao

UMAKYAT pa sa 92 katao ang bilang ng mga nasawi at umabot na sa 3.3 milyon katao ang apektado dulot ng malawakang pagbaha sanhi ng habagat.

Sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kabilang sa mga nadagdag sa nasawi ay dalawa sa Caloocan, isa sa Pampanga na nalunod at isang tinamaan ng kidlat sa Zambales. Bukod rito, may 11 katao pa ang nawawala.

Ayon sa NDRRMC, abot sa 733,o92 pamilya o katumbas ng 3,307,874 sa 2,390 barangays sa 170 bayan at 36 na syudad sa 16 na probinsya.

Sinabi ng NDRRMC na 418,380 katao ang kasalukuyang nasa  911 evacuation centers.

May 79 syudad at bayan ang nakaranas ng matinding pagbaha sa buong bansa, ayon sa NDRRMC.

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply