Negosyante natangayan ng compressor

BINUHAT at natangay ang heavy duty compressor ng isang negosyante ng mga hindi pa kilalang mga suspek sakay ng truck sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Aabot sa P180,000 ang halaga ng compressor na pag-aari ni Wilson Sy, nasa hustong gulang, may-ari ng MRDL Industrial Sale sa Teodoro St., 9th Avenue ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madalling araw nang matangay ang compressor ng biktima na nakalagay sa harap ng nasabing tindahan.

Ikinarga umano ang compressor sa elf truck na hindi naplakahan ng mga suspek.

Wala umanong naka-duty na guwardiya nang maganap ang nakawan.

Nag-iimbestiga na ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply