Negosyante niratrat, tigbak

ISANG negosyante ang namatay nang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang lalaki sa bayan ng Malasiqui sa Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Randy Diaz sa nabanggit na bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo ang biktima sa sentro ng bayan kasama ang dalawang anak gamit ang motorsiklo.

Gayunman habang nasa harapan ng isang tindahan, pinaulanan ito ng bala gamit ang kalibre 45 ng riding intandem.

Nadamay din sa insidente ang isang tambay na tinamaan ng ligaw na bala sa katawan.

Posible umanong may kinalaman sa negosyo ang pananambang sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply