Negosyante utas sa ex-parak

TODAS ang isang negosyante matapos tambangan sa San Fabian, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Alberto Castro, ng naturang bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na nasa puwesto ang biktima kasama ang anak na si Caroline at apat na taong gulang na apo na himalang hindi tinamaan ng bala nang ratratin ng hindi pa pinangalangang suspek.

Lumalabas na ang suspek ay isang dating pulis at may kasong murder sa Metro Manila.

Pinaghahanap na ang suspek habang inaalam pa ang motibo nito sa krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply