Negosyanteng si Bigcas, isasailalim sa rehab program

ISASAILALIM sa Drug Rehabilitation Program ang negosyanteng Fil-Am na si Lynard Allan Bigcas.

Kasunod na rin ito nang pag-amin ni Bigcas sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 10 na nalulong siya sa drugs kayat namayat siya.

Nagpalala rin sa kaniyang kondisyon ang iba pang kasong kinakaharap.

Ayon kay Bigcas, aatupagin niya ang pagtakbo bilang alkalde sa kaniyang hometown sa Talakag, Bukidnon sa 2013 elections.

Ayon kay Bigcas, ikinasaya niya ang pagkadakip sa kanya ng PDEA-10, dahil ito ang nagbigay sa kanya ng daan upang magbagong buhay.

Dagdag pa ni Bigcas na may sapat na supporter na siya sa naturang lungsod para sa kanyang mga plano.

Ipinangako naman ni Bigcas na haharapin niya ang mga kasong criminal na isinampa sa kanya ng PDEA sa korte.

Si Bigcas ay nahulihan din ng isang sachet ng shabu, drug
paraphernalia at M16 armalite rifle sa isang drag race sa Rodelsca Circle sa Cagayan De Oro City noong nakaraang isang linggo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply