Nepalese arestado sa shabu sa NAIA

ISANG Nepalese ang naaresto sa Ninoy Aquino International Airport kagabi (Agosto 10) makaraang makuhaan ng 1.8 kilos ng methamphetamine hydrochloride (shabu).

Ayon sa report sa radyo kaninang umaga, nakilala ang suspek na si Sanbahadur Tamang, 45, na dumating sa airport sakay ng  Philippine Airlines PR-731 flight galing Bangkok, Thailand.

Nabatid na nakuha ng Customs officials sa NAIA-2 ang 1.8 kilos ng shabu sa bagahe ng suspek ilang minuto makaraang lumapag ang eroplanong sinakyan nito.

Hinihinalang isang courier ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon at inaalam na ng awtoridad kung sino ang mga kontak ng Nepalese sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply