NICA report vs media sa DOJ ipinalalantad

IPINAKAKASA na ni AGHAM partylist Rep. Angelo Palmones ang imbestigasyon kaugnay sa pagtuturing sa mga taga-media bilang security threat sa bansa.

Labis na ikinaalarma ni Palmones na isa ring mamamahayag bago pa man naging mambabatas ang ulat ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na ang reporters lalo na ang mga nagko-cover sa Department of Justice ay maituturing na security threat o banta sa seguridad ng bansa.

Sa pamamagitan ng House Resolution 2574 na inihain ni Palmones, kanyang hinihikayat ang House Committee on Public Information na magsagawa ng imbestigasyon sa nabanggit na ulat ng NICA na naging basehan upang palayasin ang reporters na nagko-cover sa DOJ sa press office na nasa gusali kung saan may tanggapan si Justice Secretary Leila de Lima.

Binanggit ni Palmones na ang dalawang media organizations –ang Justice and Court Reporters Association (JUCRA) ay itinayo noon pang dekada 70 na kinabibilangan ng mamamahayag mula sa radio at telebisyon, samantalang ang Justice Reporters Organization (JUROR) ay na-organisa noong dekada 80 na kinabibilangan din ng reporters mula sa radio, telebisyon at tabloid.

Nais ni Palmones na isa-publiko ng DOJ ang report na ito ng NICA na aniya’y lumalabas na ang reporters ay “enemy of government instead of partner in information dissemination.”

“Several professional media organizations have been organized and established for the purpose of looking into the welfare

of members, faithful observance of the journalism code of ethics, and institution of self-regulatory measures against corruption and abuse of power within their ranks,” ani Palmones.

Tinukoy din nito ang probisyon sa saligang batas na nagsasabing “access to official records and to documents and papers pertaining to official acts, transactions, or decision, as well as to government research data as basis for policy development shall be afforded the citizen subject to such limitations as may be provided by law.”

Binanggit pa ni Palmones ang nakasaad sa Section 4 ng Constitution na “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of people to peaceably assemble and petition the government for redress of grievances.”

Bilang isang mamamahayag, sinabi ni Palmones na ang media ay epektibong instrument sa pagpapakalat ng impormasyon na maaaring maka-impluwensya sa opinyon ng publiko at lumikha ng isang popular na kultura.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply