Nicki Minaj kukumpleto sa American Idol judges

ANG kumanta ng dance hit song na “Superbass” na si Nicki Minaj ang kukumpleto sa American Idol judges para sa susunod na season sa 2013.

Exciting ang bagong season sa pagpasok ng dalawang bagong judge na sina Nicki at Marian Carey, na unang napabalitang tumanggap sa binakanteng pwesto nina Jennifer Lopez at Steven Tyler.

Tanging si Randy Jackson na lamang ang nananatiling loyal sa American Idol, ang pinakasikat na talent search sa mundo na nagpasikat kina Kelly Clarkson, David Cook, Adam Lambert, Carrie Underwood, Jordin Sparks at half Pinay na si Jessica Sanchez.

Yan ang ating aabangan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply