Nilalaman ng mga dokumento ni Robredo, ayaw kumpirmahin ni De Lima

HINDI muna kinumpirma si Justice Secretary Leila de Lima ang mga nilalaman ng mga dokumentong naka-secure ngayon sa opisina ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo.

Ayon kay De Lima, hindi pa niya nakikita ang mga sinasabing dokumento at kung ano ang nilalaman ng mga ito.

Tiniyak ng Kalihim na may mga sensitibong dokumento ang naka-tago sa tanggapan ni Robredo dahil bahagi ito ng kanyang trabaho na maraming iniimbestigahan.

Siniguro rin ni De Lima na ipagpapatuloy niya ang mga nasimulang imbestigasyon ni Robredo na naka-agapay niya sa maraming undertakings.

Samantala, kinumpirma ni De Lima na patungo siya kasama ng iba pang cabinet members sa Naga City para makiramay sa pamilya ni Robredo at babalik sila sa Martes, August 28 para sa paghahatid sa huling hantungan sa yumaong Kalihim.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply