Ninakaw na SUV sa Marikina, nabawi sa QC

NAREKOBER ng awtoridad ang isang sports utility vehicle (SUV) sa West Fairview, Quezon City nitong Biyernes ng hapon.

Sa bisa ng isang search warrant, kinumpiska ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang Toyota Innova (ZAB-443) mula sa bahay ng isang nagngangalang Michael Rivera sa No. 6 Daisy St. sa West Fairview.

Sinabi ng awtoridad na ang sasakyan ay ibinenta lamang sa halagang P200,000.

Hindi naman nahuli ng pulisya si Rivera, pero ikakasa nila ang pagsasampa ng kaso laban dito

Ang SUV, ay pag-aari ng isang Mary Angeli Salinas, at ninakaw habang nakaparada sa Fiesta Villa Rosa sa San Roque, Marikina City may dalawang taon na ang nakararaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply