No interview policy ni Chief Justice Sereno pinangangambahan

NANGANGAMBA ang ilang kongresista sa ipinahayag ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ukol sa hindi siya magpapa-interview sa media.

Tahasang sinabi ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na ang “no interview policy” ni Sereno ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa isinusulong na “transparency” ng administrasyong Aquino.

Ayon kay Evardone, chairman ng House Committee on Public Information, karapatan ni Sereno na tumanggi sa media interviews.

Labis namang nagtataka si Gabriela Rep. Luz Ilagan sa polisiya ni Sereno.

Aniya, mas magiging katangap-katanggap kung paiiralin ang “no interview policy” sa mga kaso na hindi pa nadedesisyunan.

Ngunit hindi aniya makakabuti kung tuluyang ilalayo ni Sereno ang kanyang sarili sa mga mamamahayag.

Giit ni Ilagan na hindi dapat isantabi ni Sereno ang transparency at public accountability bilang pinakamataas na pinuno ng hudikatura.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply