Noise barrage ilulunsad ng Piston bukas

MAGKAKASA ng “noise barrage” ang militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) bukas ng umaga para kondenahin ang panibagong oil price hike  na ipinatupad ng “Big 3” oil company.

Ito ang kinumpirma ngayon sa Remate ni PISTON national president George San Mateo at sinabi na ikakasa ang kilos-protesta sa harapan ng Isetann Department Store sa may Aurora Boulevard, Quezon City.

Ani Mateo mahigpit nilang tinututulan ang bigtime oil price hike sa produktong petrolyo na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis kung kaya magsasagawa sila ng mga pag-iingay at photo ops na kanilang ipapakita sa publiko.

Nauna rito itinaas sa halagang P1.40 kada litro ang halaga ng diesel at P1.20  naman sa gasolina kung kaya umaabot na aniya sa halagang P2.90 ang itinaas ng diesel at P3.00 naman sa gasolina nitong linggong ito.

Dahil dito, asahang magiging mabigat ang daloy sa trapiko sa nasabing lugar bukas ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply