Non-partisan ang ipalit kay Robredo – Honasan

IPINAHAYAG ngayon ni Senador Gringo Honasan na dapat maging non-partisan ang ipapalit kay yumaong Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo.

Ayon kay Senador Honasan, dapat ay walang kinikilingang partido ang magiging bagong DILG secretary lalo na’t eleksyon na sa susunod na taon.

Binigyang-diin ni Honasan na napakalawak ng responsibilidad ng kalihim ng DILG na isa sa mga saklaw nito ay ang administrative control at supervision sa mga local government unit (LGU).

Kaugnay nito, naniniwala si Honasan na kuwalipikado ang kanyang ‘mistah’ na si Senador Panfilo Lacson bilang DILG chief dahil dahil bago pa man maging senador si Lacson ay dati na rin nitong pinamunuan ang Philippine National Police (PNP) at kahit papaano’y pamilyar na ito sa national politics.

Una rito, inihayag ni Senate President Juan Ponce Enrile na isa si Lacson sa mga kuwalipikado sa DILG post.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply