Noodles, de lata sa supermarkets nauubos sa relief operations

PUPULUNGIN ng Department of Trade and Industry ang mga kumpanyang gumagawa ng mga pagkaing de lata, repacked noodles at iba pang produkto.

Ito ay upang magkaroon ng hiwalay na bentahan ng kanilang mga produkto para sa mga relief operation at hindi maapektuhan ang supply ng mga supermarket at groceries kung saan nagkakaroon ng kakulangan o shortage ng mga nabanggit na produkto na mabili sa mga panahon ng kalamidad.

Napagkakamalan din na panic buying ang pamimili ng mga foundation at mga relief operation ng mga nasabing produkto lalo na’t kapag inuubos o pinapakyaw ang supply sa mga supermarket na nagdudulot ng pangamba sa publiko at nagkakaroon ng domino effect, at sa takot na maubusan ay bumubili na rin ang iba kahit hindi naman ganung kakritikal ang sitwasyon.

Ayon kay DTI Sec. Gregory Domingo, mga supply center ng relief goods ang kailangan ng mga manufacturer upang doon magtungo ang mga relief operation para sa kanilang mga pamamakyaw at hindi sa mga pampublikong pamilihan na nagdudulot ng hindi makatotohanang “shortages”

Siniguro naman ng mga pamilihan at supermarkets sa DTI na walang kakulangan sa kanilang mga stock at walang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin bagamat nagkaroon ng paggalaw sa presyo ng gulay at isda na naapektuhan ang supply dahil sa mga isinarang mga daan papasok ng Metro Manila dahil sa baha.

Umaasa naman ang DTI na babalik na sa normal ang supply at presyo ng mga gulay at isda sa pagganda ng panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply