Normal na presyo ng bilihin babalik

INIHAYAG ng Department of Trade and Industry (DTI) na bahagyang bumaba ang presyo ng isda samantalang nananatiling mataas pa rin ang presyo ng mga gulay dahil sa nakaraang bagyong Gener at Helen at ng mabagsik na hanging Habagat.

Ayon kay DTI Undersecretary Zeny Maglaya, mataas pa rin ang singil sa mga gulay tulad ng repolyo, Baguio beans, okra at kangkong na buhat ng Benguet.

Sa kabila nito P20 hanggang P30 naman ang ibinaba ng mga isdang tilapia, bangus, galunggong at iba pa dahil sa gumagandang panahon.

Umaasa naman ang DTI na tuluyang gaganda ang lagay ng panahon lalo na ngayong darating na long weekend upang maibalik sa normal na sirkulasyon ng pagbebenta ng mga pangunahing bilihin.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply