Number coding sa Metro Manila, suspendido pa rin

SUSPENDIDO pa rin ngayong araw ng Miyerkules ang number coding scheme sa mga pribado at pampublikong sasakyan sa Metro Manila bunsod ng masungit na panahon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kaugnay nito, sinabi naman ni Yves Gonzales, head ng MMDA Traffic Discipline Office, bagamat walang ipatutupad na number coding sa lahat ng lugar sa kalakhang Maynila, pinaalalahanan naman nito ang mga motorista na exempted dito ang lungsod ng Makati.

Hinihintay ng MMDA ang desisyon ng pamahalaang lokal kung sususpendihin din nito ang number coding sa Makati City ngayong araw ng Miyerkules para sa mga sasakyang may plate ending na number 5 at number 6.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply