Obispo: Lawmakers sa Batangas, pro-life

MALAKI ang tiwala ng isang Catholic prelate na hindi maipapasa sa Kamara ang kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill, sa kabila nang pagsusumikap ng pamahalaang Aquino na maisabatas ito.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, lahat ng hakbang ay ginagawa na ng Malakanyang upang matiyak na maipapasa ang RH bill ngunit tiwala naman umano siya na hindi ito magtatagumpay.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang Arsobispo na nakatakdang makipagkita kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III bukas tanghali ang ilang kongresista upang kumbisihin ang mga ito na bumoto pabor sa panukalang batas.

Kumpyansa rin ito na pawang pro-life ang lahat ng mambabatas sa Batangas na kinabibilangan nina Representatives Tomas Apacible (first district), Hermilando
Mandanas (second district), Nelson Collantes (third district), at Mark Mendoza (fourth district).

Nabatid na ang naturang pakikipag-usap ni PNoy sa ilang mambabatas ay kasunod na rin ng isinagawang prayer rally kontra RH Bill ng Simbahang Katoliko nitong Sabado.

Samantala, ayon naman kay Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, nais nilang makita ng mga kabataan ang mga posibleng problema na maaaring idulot ng pagpapasa ng nasabing panukalang batas.

“We are old but God made us old so we can be reminders for you not to forget our Filipino values, the commandments of God and the rules of good character,” ani Villegas.

Inihalimbawa ni Villegas ang pangamba ni Pope Paul VI na ang artificial contraception ay magbubukas lamang sa malawakang marital infidelity at pagbaba ng moral standards.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply