Ochoa itinalaga ni PNoy na acting sec sa DILG

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. bilang acting secretary ng Department of Interior and Local Government.

Ang pagtalaga kay Ochoa ay inihayag ni Presidential spokeperson Edwin Lacierda sa La Salle, Greenhills kung saan dinaraos ang misa ng mga kaibigan para kay ex-DILG Secretary Jesse Robredo.

Si Robredo ay binawian ng buhay matapos bumagsak ang sinasakyang eroplano sa karagatan ng Masbate noong Agosto 18.

Kaninang umaga lamang natagpuan ang bangkay ni Robredo at dalawang kasama matapos ang tatlong araw na paghahanap ng mga diver.

Pansamantalang pangangasiwaan ni Ochoa ang DILG upang patuloy na maipatupad ang mga gawain at programa ng ahensya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply