OFW shelter sa Jeddah isinara dahil sa utang

UMAAPELA ngayon ang isang grupo ng manggagawa sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs at maging sa Kongreso na imbestigahan ang diumano’y 1.3 milyong Saudi rials na utang sa upa ng isang OFW shelter na inupahan ng Philippine Consulate  sa Jeddah, Saudi Arabia.

Ibinulgar ito ng isang empleyado ng konsulado na humiling na itago ang kanyang pangalan sa mga opisyal ng Migrante sa Saudi Arabia.

Ayon sa empleyado, lumobo ang utang ng gobyerno ng Pilipinas dahil sa hindi pagbabayad sa upa ng nabanggit na shelter sa loob ng Al-Mina hajj terminal sa Jeddah na pag-aari ng Immigration Authority ng Saudi Arabia.

Nagsimula aniyang upahan ang shelter noong Oktubre 2010 sa kasagsagan ng mass repatriation ng mga hindi dokumentadong OFWs na tumira sa ilalim ng tulay ng Khandera sa Jeddah, gayundin ang voluntary repatriation na alok ng pamahalaan noong Hulyo 2011.

Sinabi ni Migrante Middle East Regional Coordinator John Monterona, kailangang malaman ng taumbayan kung bakit binitawan ng konsulado ang shelter gayung nagsisilbi itong pansamantalang tirahan sa mga manggagawang Pilipino na biktima ng pang-aabuso o hindi kaya’y may suliranin sa kanilng trabaho at dokumento.

Ayon kay Monterona, dapat ring sagutin ng konsulado kung bakit pinalaki ng mga ito ang utang sa upa gayung may pondo na maaaring kunin sa P100 milyong repatriation fund taon-taon ang Overseas Workers Welfare Administration.

Dapat rin aniya na ipaliwanag kung may ginawang hakbang na si Ambassador Ezzadin Tago sa nabanggit na problema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply