OFWs sa Saudi nagbebenta na ng dugo

NAGBEBENTA na ng dugo ang mga Overseas Filipino Worker na walang trabaho sa Saudi Arabia para lamang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na gastusin at para may maipadala sa kani-kanilang pamilya sa bansa.

Ibinibenta umano ang dugo sa Saudi Arabia Hospital ng umaabot sa halagang 300 hanggang 500 Saudi Riyals kada 500cc.

Sa report ng Migrante Middle East, isang non-governmental group, tinatayang nasa 8,000 hanggang 10,000 undocumented OFWs sa Saudi Arabia ang unemployed.

Karamihan sa unemployed OFWs ay umaalis sa trabaho dahil na rin sa pang-aabuso ng kanilang mga employer o dahil hindi sila pinasusuweldo nang tama.

Illegal immigrants o TNT (tago ng tago) at undocumented dahil ang kanilang passports at travel documents ay nawala o kinumpiska ng kanilang dating employers.

Dahil dito, inihain ni Cagayan de Oro Congressman Rufus Rodriguez ang House Resolution No. 2542 para hilingin sa House committee on overseas workers affairs na imbestigahan ang nasabing isyu at imbitahan ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment, Philippine Overseas Employment Administration, Migrante Middle East at iba pang ahensiya para magbigay ng linaw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply