Oil spill sa Boracay, itinanggi ng PCG

PINAWI ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pangamba ng mga residente ng Sitio Angol sa Brgy.Manoc-Manoc sa isla ng Boracay na hindi oil spill ang kumakalat sa kanilang lugar.

Ayon sa PCG, bagamat may nakitang kulay itim na particles sa dalampasigan ay maari pa naman itong paliguan at walang dapat na ipangamba.

Gayunman, isinailalim na rin sa laboratory examination ng Maritime Environmental Protection Unit ang nakuhang sample ng itim na particles upang matukoy kung anong uri ito ng kemikal.

Hinala naman ng PCG na aspalto ang naturang particles na kumakalat at inaanod ng alon sa dalampasigan ng isla ng Boracay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply