Okay sa parents ni Julie Anne ang pagbisita, pagdi-date nila ni Elmo

OKAY lang pala sa parents ni Julie Anne San Jose kung maging malapit sa isa’t isa ang anak nila at si Elmo Magalona. Walang kaso rin sa kanila kung lumalabas ang dalawa paminsan-minsan o kung bisitahin man ng Kapuso hunk ang kanilang anak sa kanilang bahay. Tutal, aminado naman ang dalawa na close na sila sa isa’t isa.

Nasabi nga ni Julie Anne sa huling presscon ng “Just One Summer” na si Elmo lang ang lalaking pinakamalapit sa kanya ngayon. Yung tipong nahihingahan niya ng mga problema at komportable siya.

Madalas raw silang magkita ni Elmo dahil magkasama sila noon sa shooting ng Just One Summer, tapos may dalawang shows silang magkapartner silang dalawa – ang Party Pilipinas at ang Together Forever.

Bale nagkahulihan na sila ng loob ni Elmo kaya ganoon na sila ka-close.

Kaya rito sa movie na Just One Summer na palabas na ngayon, kitang-kita ang makatotohanang sweetness ng dalawa. Para talagang totoo ang mga ligawan at pagmamahalan nilang ipinakita sa movie.

Sinomang fans ng dalawa, sure kaming kikiligin sa kanilang ipinakitang sweetness on screen.

Anyway, madalas nang magholding hands ang dalawa, wala pa rin silang inaamin kung anuman talaga ang namamagitan sa kanila. Basta sinasabi nilang close friends lang sila.

Samantala, lalong gumaganda ang mga episode ng Together Forever na mapapanood pagkatapos ng Startalk.

Ngayong Sabado, namangha si Elmo sa kagandahan ni Julie Anne nang ipagdiwang nito ang kanyang debut sa youth-oriented show ng GMA, ang Together Forever.

Ngayong wala na si Shirley (Lexi Fernandez) sa buhay ni Ely (Elmo), mapapansin ni Angelo (Enzo Pineda) ang kakaibang kinikilos ng kapatid sa tuwing nakikita ang parekoy nito. Ang kaso. hindi alam ni Ely kung paano sasabihin ang kanyang tunay na nararamdaman kay Toyang (Julie Anne).

Andyan din si Yago (special guest star na si Aljur Abrenica) na nanliligaw rin kay Toyang.

Samantala, patuloy pa rin ang panunuyo ni Ben (Benedict Campos) kay Jasmine (Janine Gutierrez).

Kaya na bang aminin ni Ely ang nararamdaman niya para sa kaibigan, o hahayaan na lang ba niyang maagaw ito ni Yago?

Mapalalambot na ba ni Ben nang tuluyan ang puso ng ex-girlfriend na si Jasmine?

000

Alden Richards: Makikipag-May–December affair

NANG pumunta kami sa set ng Tweets For My Sweet, gulat kami dahil bongga ang istorya nila sa bale final episode ng dramedy na ipalalabas na sa Sunday, ang episode ay may May-December affair.

Alam ba ninyo kung bakit May-December? Mai-in love lang si Nova Villa kay Alden Richards na panauhin ng show. Kasama ring guest sa Sunday si Sef Cadayona.

Special ang episode dahil maraming revelations na magaganap na ikahahalakhak ng mga manonood sa top rating comedy show ng GMA-7 tuwing Sunday.

‘Di akalain na magkakagustuhan sa istorya sina Nova at Alden! Tapos, si Roderick Paulate ay made-depress. Gusto niyang pasunog ang restaurant na kanyang itinayo? Bakit kaya?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply