Olympics basketball: US kinawawa ang Nigeria

NAUNGKAT muli ang pagkukumpara ng 1992 Dream Team at 2012 US Team matapos basagin ng huli ang Olympic record mark points sa isang laro.

Nakakuha ng 37 puntos ang Amerika kay Carmelo Anthony upang kawawain at hiyain ang Nigeria team, 156-73 kaninang umaga sa nagaganap na 30th Olympic Games sa London.

“We’re not thinking about what the ’92 Dream Team did,” wika ni Anthony. “We don’t play them. We understand the standard those guys set. We’re doing our own thing. We play for ourselves.”

May 29 na 3-pointers ang sinalpak ng US kung saan 10 ang kay Anthony.

Bago nag-umpisa ang Olympics ay nagbitaw ng salita si Kobe Bryant na kaya nilang talunin ang Dream Team na kinabibilangan ni NBA Legend Michael Jordan.

“It feels great to be part of history. There have been a lot of great teams who have come to the Olympics and posted some big scores,” anang Bryant na nag-ambag ng 16 points. “It was an acknowledgement to each other that it was a job well done being part of it.”

Tinarak ng Brazil ang olympic record na may pinakamaraming puntos noong 1988 sa Seoul ng talunin nila ang Egypt 138-85 sa preliminary round.

Inukit din ng Brazilians ang mark points record nang hiyain nila ang India, 137-64 sa 1980 Olympic sa Moscow.

“Just an incredible shooting performance,” sabi ni US coach Mike Krzyzewski. “We just shot better in a game than any team I have ever coached. Our guys just couldn’t miss.

Samantala, si former NBA player Ike Diogu ang kumana ng maraming puntos para sa Nigeria na may tinikadang 27 at pitong rebounds.

Nangunguna sa Group A ang Amerika bitbit ang 3-0 karta at makakalaban nila sa susunod na laro ang Lithuania.

May tig 2-1 win-loss slate ang Argentina at France at magkasalo sa fourth at fifth spot ang Lithuania at Nigeria hawak ang 1-2 baraha habang bokya sa pa rin sa tatlong salang  ang Tunisia.

Sa Group B, magkasosyo ang Russia at Spain sa tuktok hawak ang 3-0 card, pangatlo ang Brazil na may 2-1 panalo-talo habang pang-apat ang Australia dala ang 1-2 karta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply