Operasyon ng Philex Mining, sinuspindi ng DENR

SINUSPINDI ng Department of Environment at Natural Resources- Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang mining operation ng Philex Mining Corp. sa Padcal, Tuba, Benguet hanggang hindi nila nasisiguro ang integridad at seguridad ng pagtatapon ng kanilang dumi.

Ayon kay DENR Secretary Ramon Paje, ipinatupad ang suspension noong August 2, 2012 dahil sa aksidenteng pagtatapon ng tubig at sediments mula sa dalawang two underground tunnels na dati nang nagtatapon ng tubig.

Ayon kay MGB Director Leo Jasareno, may tatlong tailings pond ang Philex ngunit ang tailings pond no. 3 lamang ang nagagamit nila.

Batay sa inspeksyon ng Environmental Management Bureau (EMB), naapektuhan ng tailings ng Philkex ang San Roque Power Dam.

Ang dam ay may layo lamang na 30 kilometro sa Agno River mula sa Balog River kung saan nagtatapon ng tailings ang Philex.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply