Operasyon ng PNR, atrasado pa rin

PATULOY ang pagkakaantala ng operasyon ng Philippine National Railways (PNR) dahil sa pagpapatuloy ng ulan na nakaaapekto sa riles ng tren.

Ayon sa PNR, bukod sa nadadaanang baha naaantala ang biyahe dahil sa patuloy na ulan at ng pagbabaha sa Muntinlupa City.

Sinabi ng PNR na nagtungo na sa Calamba City, Laguna ang mga tauhan nila para kumuha ng mga ballast para pataasin ang riles sa bahagi ng Muntinlupa.

Paliwanag ng PNR, bagamat bumaba na sa limang pulgada ang taas ng tubig baha sa Putatan ay hindi pa rin maaaring bumiyahe ang mga tren nito hanggang ‘di bumababa sa apat na pulgada ang lebel ng tubig baha.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply