Operasyon ng Taguig-police naparalisa sa baha

NAPARALISA ng apat na araw ang operasyon ng pulisya sa Taguig City dahil sa paglubog sa tubig-baha ng mismong headquarters ng pulisya na nagresulta sa pagka-antala ng imbestigasyon sa mga kasong kanilang hinahawakan.

Aminado si Taguig police chier Sr. Supt. Tomas Apolinario na hindi sila makakilos at makapagsagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga nangyaring krimen sa lungsod sa loob ng apat na araw bunga na rin ng pagkakalubog sa tubig-baha ng kanilang himpilan.

Gayunman, tiniyak ni Apolinario na ginagawa ng kanilang mga imbestigador ang lahat ng paraan upang malutas ang ilang mga naganap na krimen sa kanilang lugar, batay na rin sa utos ni Mayor Lani Cayetano, kabilang na rito ang nangyaring pamamaslang sa tricycle driver na si Rexford Chavez, 30, residente ng Blk 137 Lot 11 Purok 1
Brgy Upper Bicutan.

Si Chavez ay binaril ng hindi pa kilalang suspect sa Rajah Sumakwil St., Purok 1, Brgy Upper Bicutan dakong alas-8:40 kamakalawa ng gabi na nagresulta sa kanyang pagkasawi habang ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital sanhi ng isang tama ng bala sa ulo.

Hindi umano makapagsagawa ng malalimang pagsisiyasat sina SPO1 Rodelio Abenjojar at PO3 Roger Aquilesca upang alamin ang motibo sa krimen at kung sino ang suspect sanhi na rin ng pagkasalanta ng kanilang himpilan sanhi ng dalawang linggong walang tigil na buhos ng ulan dulot ng hanging habagat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply