Oportunista sa panahon ng kalamidad, kakastiguhin

BINALAAN ng Pangulong Benigno Aquino III ang mga oportunistang negosyante na pinagsasamntalahan ang mga kapuspalad na mamamayan sa pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang produkto ngayong panahon ng kalamidad.

Ayon sa Pangulo, kung kinakailangan na gamitin ang lahat ng kapangyarihan ng gobyerno ay kanyang gagawin para lamang madisiplina ang mga nananamantalang negosyante.

Matatandaang, hindi nagustuhan ng Pangulo ang tila pananamantala ng isang kumpanya ng gamot na nagtaas ng 750 percent sa presyo ng kanilang produkto.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ang nasabing kumpanya ng gamot na hindi pinangalanan para mapanagot sa pagsasamantala sa kabila ng umiiral na price freeze sa mga lugar na nasa state of calamity pa rin.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply