Orcollo at Corteza handa nang sumargo sa World Cup of Pool

NAIS ng duo nina Dennis “Robocop” Orcollo at Lee Vann “Van Van” Corteza na sungkitin ang una nilang titulo sa magaganap na 7th World Cup of Pool sa September 4-9 sa Midtown Robinson’s Place-Ermita.

Subalit inaasahan nilang dadaan sila sa butas ng karayom dahil makahaharap nila ang magkumpareng Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante at iba pang matitikas na bilyarista sa buong mundo kasama na rito ang defending champions pair nina Ralf Souquet at Thorsten Hohmann ng Germany.

Philippine B sina Orcollo at Corteza habang Philippine A naman sina 2009 World Cup of Pool rulers Reyes at Bustamante.

Unang makahaharap nina Orcollo at Corteza sina Dimitri Jungo at Ronni Regli ng Sweden sa event na kalahok ang 31-nation, 32 team tournament.

Mga taga-Hong Kong naman ang unang makakatumbukan nina Reyes at Bustamante.

Noong nakalipas na taon ay umabot lang sa last 8 ang nasabing dalawang pares ng PHL na ginanap din dito sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply