Orcollo, Corteza handa na sa World Cup of Pool

HANDA na ang Filipino cue masters na sina Dennis “Robocop” Orcollo at Lee Vann “The Slayer” Corteza sa pagsargo ng 2012 Partypoker.net World Cup of Pool sa Setyembre 4 hanggang 9 na gaganapin sa Robinson’s Place Manila.

Kakatawanin nina Orcollo at Corteza ang Philippine Team A sa $250,000 billiards team event na may pabuyang $60,000 sa magkakampeon.

Makakalaban nina Orcollo at Corteza ang dangerous Swiss pair na sina Dimitri Jungo at Ronni Regli.

Babandera naman para sa Philippine Team B ay sina fellow billiards champions Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante na makakasarguhan ang Team Hong Kong.

Sa nakaraang World Cup of Pool, nabigo ang tandems nina Orcollo at Ronato “Volcano” Alcano, Reyes at Bustamante sa quarterfinal round.

Sina Reyes at Bustamante na naghari sa inaugural edition noong 2006 sa Newport, England matapos gibain ang mga Americans na sina Earl Strickland at Rodney Morris. Sa  2009 ay nakuha muli nila ang titulo.

Sa kanilang 2011 stint nakalusot sina Reyes at Bustamante sa dalawang round pero kinapos kina Ralf Souquet at Thorsten Hohmann ng Germany na siyang nagkampeon.

May kabuuang 32 teams mula sa 31 nations at host ang Pilipinas. At dahil host ang Pinas ay maaaring magkaroon ng dalawang field teams, ayon kay Philippine Billiards God Father Aristeo “Putch ” Puyat.

Sa iba pang kapana-panabik na first round matches, ang 2004 World Pool Champion Alex “The Lion” Pagulayan ay muling magbabalik sa Maynila at sa pagkakataong ito ay kakatawanin niya ang Canada kung saan ay kakampi niya si John Morra. Makakalaban nila ang Sweden na sina Mosconi Cup legend Marcus Chamat at Andreas Gerwen.

Habang ang defending champion na sina Souquet at Hohmann ng Germany ay makalalaban naman ang qualifiers mula Serbia.

Ang USA na binubuo ng 2008 champions na sina Morris at Shane Van Boening ay makatatapat ang flamboyant Indian duo nina Raj Hundal at Amar Kang.

2012 PartyPoker.net World Cup of Pool – the draw

Germany (1) v Serbia
Finland (16) v Korea

Philippines B (8) v Hong Kong
Canada (9) v Sweden
——————————————
USA (5) v India
Austria (12) v Kuwait

China (4) v Singapore
Spain (13) v Hungary
——————————————
England (3) v Belgium
Thailand (14) v Malaysia

Chinese Taipei (6) v Indonesia
Japan (11) v Russia
——————————————
Holland (7) v Croatia
Poland (10) v Australia

Philippines A (2) v Switzerland
Italy (15) v Vietnam

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply