Our Lady of Guadalupe pray for us

NAALALA niyo ba yung verse sa Bible na nagsasabi na pati ang mag-aama at magkakamag-anak ay ‘di magkakasundo? Nandun po tayo ngayon pagdating sa isyu ng RH bill.

Nakalulungkot na pati mga pamilya ay nahahati sa isyu ng RH bill. Ipagdasal na lang natin ang magkabilang panig – huwag na tayong mag-insultuhan – tutal karamihan sa atin ay naniniwala na ang ating pananaw ang siyang tama.

Para sa akin, paano magiging problema ang isang bagay na si-yang hinihirang na solusyon sa ating mala-mirakulong pag-angat bilang bansa? Nagkakaisa ang mga financial expert at mga in-vestment analyst na ang bilyon-bilyong remittances ng ating mga OFW taon-taon ang siyang nag-sasalba sa atin na ‘di matulad sa ibang bansa na nasa krisis at re-cession.

Palagay niyo ba, kung magan-da ang buhay rito sa atin – pipiliin pa ng milyon-milyong OFW na ma-ngibang bansa at mahiwalay sa pa-milya nila? At ‘di tulad ng ibang lahi, ang dolyar na kinikita nila ay pina-dadala sa mga pamilya nila sa Pili-pinas! Ganyan kasi ang ganda ng ating pagiging Filipino…malapit tayo at mahal natin ang ating mga pa-milya. Kung iba yan, eh, ‘di ilulustay na nila yan sa kanilang sarili.

Sa aming mga Katoliko, may binabanggit din na “Triumph of the Immaculate Heart.” At may mga mensahe mula sa visionaries na sa Pilipinas magmumula itong “triumph” na ito.

Nabalitaan niyo na ba na dahil sa mga OFW na napilitang mangamuhan abroad dala ng hirap dito sa atin – marami na ang mga nagsarang simbahan at parokya ang ngayo’y nabuhayan na muli?

Alam niyo naman tayong mga Pinoy – mapapel – so mga OFW natin ang tumao bilang lay ministers, choir, lector/commentator, etc.

At dahil doon, ang mga local resident doon na ‘di na nagsisimba ay sumisilip out of curiosity, pagkatapos makarinig ng musika at kantahan sa kanilang simbahan.

Ang pagsilip ay nasundan pa hanggang naging madalas at tuluyan na silang nag balik-Simbahan at balik-Misa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply