Our Lady of Guadalupe, pray for us

NAALALA nyo ba yung verse sa bible na nagsasabi na pati ang mag-ama at magkakamag-anak ay di magkakasundo? Nandun po tayo ngayon pagdating sa isyu ng RH Bill.

Nakakalungkot na pati mga pamilya ay nahahati sa isyu ng RH Bill. Ipagdasal na lang natin ang magkabilang panig – huwag na tayo mag-insultuhan – tutal karamihan sa atin ay naniniwala na ang ating pananaw ang siyang tama.

Para sa akin, paano magiging problema ang isang bagay na siyang hinihirang na solusyon sa ating mala-mirakulong pag-angat bilang bansa? Nagkakaisa ang financial experts at investment analysts na ang bilyun-bilyong remittances ng ating OFWs taun-taon ang siyang nagsasalba sa atin na di matulad sa ibang bansa na nasa krisis at recession.

Palagay nyo ba? Kung maganda ang buhay dito sa atin – pipiliin ba ng milyun-milyong OFWs na mangibang bansa at mahiwalay sa pamilya nila? At di tulad ng ibang lahi, ang dolyar na kinikita nila ay pinadadala sa mga pamilya nila sa Pilipinas! Ganyan kasi ang ganda ng ating pagiging Pilipino … malapit tayo at mahal natin ang ating mga pamilya.

Kung iba yan eh di ilulustay na nila yan sa kanilang sarili.

Sa aming mga Katoliko, may binabanggit din na “Triumph of the Immaculate Heart.” At may mga mensahe mula sa visionaries na sa Pilipinas magmumula itong “triumph” na ito.

Nabalitaan nyo na ba? Na dahil sa mga OFWs na napilitang mangamuhan abroad dala ng hirap dito sa atin – marami na ang mga nagsarang simbahan at parokya ang ngayo’y nabuhayan na muli.

Alam nyo naman tayong mga Pinoy – mapapel – so mga OFWs natin ang tumao bilang lay ministers, choir, lector/commentator, etc. At dahil dun, ang local residents duon na di na nagsisimba ay sumisilip out of curiosity pagkatapos makarinig ng musika at kantahan sa kanilang simbahan.

Ang pagsilip ay nasundan pa hanggang naging madalas at tuluyan na silang nag balik-simbahan at balik-Misa.

Pati na rin ang mga alagang bata ng ating mga DH o domestic helpers at mga pasyente ng ating nurses at caregivers ay marunong na ring managalog at magdasal. Pati sa salita ng Diyos namulat sila.

Yan ang ganda ng God’s Law at natural law. Perfect. Di ba may kasabihan … “All in God’s perfect time.”

Pag tao ang nagmarunong at nagplano … napupurnada! Tingnan nyo nangyayari ngayon sa Japan, Europa, atbp … wala ng mga batang labor force na magtatrabaho para sa welfare ng senior citizens nila. Kaya tuloy … most wanted nila ang mga Pilipino para magtrabaho sa kanila.

Nakita na po ba ninyo ang punto?

Sa Diyos dapat tayo magtiwala at manalig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply