P.1-M reward para sa mga suspek sa Zambo twin blast

MAGBIBIGAY ng P100,000 reward ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga City sa sinumang makapagtuturo sa pagkakadakip ng mga suspek na responsable sa magkasunod na pagpasabog sa isang bus ng Rural Transit Bus at sa isang mosque sa nasabing lungsod.

Ang pagpapalabas ng naturang halaga ay inaprubahan sa isinagawang security conference sa city hall ng lungsod na dinaluhan ng mga lokal na opisyal ng siyudad kasama ang matataas na opisyal ng PNP at militar.

Ang nasabing halaga ay nanggagaling sa local intelligence funds ng Zamboanga City.

Nabatid na napagdesisyunan ng mga kumakatawan sa binuong Task Force 9224-Suterville na pinangungunahan niya mismo at ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat na magpalabas ng reward money para mas mapadali ang pagresolba sa naturang pangyayari.

Sa kasalukuyan, isa pa lamang cartographic sketch ang naipalabas sa apat na sinasabing suspek sa pagtatanim ng bomba sa pampasaherong bus na ikinasugat ng pitong katao.

Una na ring sinabi ni Police Regional Office (PRO-9) regional director C/Supt. Napoleon Estilles na mayroon na silang natukoy na ilang suspek na inuugnay sa isang grupo subalit nahihirapan din silang tukuyan ang kinaroroonan ng mga ito.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply