P.1M cash natangay ng akyat-bahay

MAHIGIT sa P.1 milyon halaga ng alahas at ilang mamahaling kagamitan ang natangay ng isang babae nang pasukin nito ang isang bahay sa isang subdivision sa Las Pinas City.

Kamakalawa lamang ng hapon nakumpleto ng pulisya ang ginawang pagsisiyasat batay sa reklamo ng biktimang si Benedicto Aguilar matapos matangayan ng kabuuang halagang P186,000 halaga ng mga alahas at kagamitan sa loob ng kanyang bahay sa 14 Rodriguez St., corner Leyte St. Philam Village, Pamplona 2.

Sa imbestigasyon nina PO2 Christian Yanga at PO2 Balabag Aldwin ng Investigation Division ng Las Pinas Police, naganap ang insidente ng pagnanakaw sa pagitan ng alas-2 hanggang alas 3 ng hapon makaraang makuha ng babae ang susi ng gate ng bahay sa ibabaw ng poste na palagiang pinaglalagyan ng biktima.

May hinala ang pulisya na kabisado ng babae ang pinaglalagyan ng susi ng gate kaya’t malaya siyang nakapasok sa loob ng bahay at tinangay ang dalawang laptop na nagkakahalaga ng P62,000, iba’t-ibang uri ng mamahaling alahas na may kabuuang halagang P120,000 at isang DVD player na nagkakahalaga ng P4,000.

Tumakas ang hindi pa kilalang babae sakay ng isang minamaneho niyang kulay berdeng sasakyan patungo sa hindi nabatid na lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply