P.5B smuggling catch

KALAHATING bilyong halaga ng puslit na bigas mula sa ibang bansa ang nasabat sa Subic Freeport ng mga bata ni Customs chief Ruffy Biazon. Whewwwww.

Sa unang salta matapos kong marinig ang balitang ito sa mga ulat sa radio at telebisyon, sa totoo lang, ako’y  talagang ‘di makapaniwala.

Aba, eh, kako, kailan lamang ay nakasabat ang BOC ng P42 million worth ng smuggled rice riyan din  sa Subic Bay Freeport.

‘’Di talaga ako makapaniwala kaya tinawagan ko ang mga contact sa customs at nalaman ko na tunay nga pala ang P.5 billion smuggling catch.

Magandang balita ito sa administrasyong Noynoy Aquino dahil nakikita ng sambayanan na talagang nagtatrabaho na ang mga BOC agent.

Ito’y  welcome development din para sa mga magsasaka dahil kung ‘di ito nasabat, aba’y malaking epekto sa hanay ang agrikultura.

Mantakin mong P.5 bilyong halaga ng bigas na ikakalat sa merkado, siguradong makaaapekto ito sa mga local agricultural product.

Itong mga smuggler ng bigas at ng iba pang agri-products ang nagiging sakit ng ulo ng mga kababayan nating magbubukid dahil sapul ang benta nila sa merkado.

Timing din ang pagkakasabat ng BOC sa 420,000 sako ng bigas worth P500 million sa Subic Freeport dahil puwede itong iimbak habang sinasalanta ng sunod-sunod na bagyo ang maraming lalawigan.

Kaysa mapunta kung saan ang mga bigas, puwedeng hilingin ng DSWD sa pamahalaang PNoy na ipamahagi ito sa mga biktima ng baha at landslide dulot ng mga bagyo.

Dapat siguro’y nakikipag-ug-nayan na rin ang National Food Authority para sa wastong pag-iingat ng mga kompiskadong bigas.

‘Di biro ang P500 milyong halaga ng bigas na nasabat sa Subic dahil ito ang itinuturing  na pinakamalaking smuggled rice na naharang ng BOC bunga ng pinaigting na kampanya ni Comm. Biazon laban sa smugglers simula nang siya’y maupo at suportahan ang programa ni Pangulong Noynoy na tuwid na daan.

Bukod kay komisyoner, mukhang inspirado rin ang kanyang mga bataan lalo na ang TF REACT sa walang humpay na ginagawang anti-smuggling drive sa bakuran ng Aduana.

Kapuna-puna na halos araw-araw, eh, may malalaki silang nahuhuling epektos na tinatangkang ipalusot ng smugglers.

Ito ang dahilan  kaya bumabangon at bumabango ang bureau sa ilalim ng pagmamando ni Biazon.

Ganyan naman talaga ang mangyayari kung ang isang pinuno ay nakatutok at nakabantay sa bawat galaw ng kanyang mga tauhan. Nagkakaroon ng transparency at naiiwasan ang
mga kalokohan.

Kung ‘di siguro si Biazon ang hepe ngayon ng BOC, baka nagkalat na naman ang mga kawatan diyan at kung ano-anong hokus-pokus ang nangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply