P1.5-M kalsada sa Romblon tapos na

SAN ANDRES, Romblon, Agosto 29 (PIA) — Natapos na ang P1.5 milyon proyekto na pagpapasemento sa provincial road sa Sitio Hablon, Brgy. Tanagan, San Andres, Romblon.

Labis-labis ang pasasalamat ng mga residente sa pamahalaang panlalawigan dahil naipasemento na ang kanilang dinadaanang provincial road na dati’y lubak-lubak at pinakamabatong bahagi ng bulubunduking lugar.

Ang proyekto ay pinondohan ng pamahalaang panlalawigan ng Romblon sa pamamagitan ng inisyatibo ni Gov. Eduardo Firmalo bilang pagtugon sa kahilingan ng samahan ng mga kabataan (SK) na lumiham at nagpadala ng isang resolusyon sa tanggapan nito.

Laman ng nasabing resolusyon na isinumite ni SK Chairman Jerome T. Costales ang hiling na isaayos ang bahaging ito ng provincial road dahil napakahirap dumaan lalo na kapag tag-ulan at pahirap din sa mga nakatira dito ang pagdadala ng kanilang mga inaaning produkto patungo sa kabayanan.

Ayon sa mga residente, sa wakas ay naging maginhawa na ang kanilang pakiramdam sa tuwing dumadaan sila sa bagong gawang kalye dahil napakatagal na panahon din nilang pinapangarap na maibsan ang hirap kapag dumadaan sila sa naturang kalsada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply