P1-M halaga ng droga nasabat ng PDEA-PNP

TINATAYANG nasa P1.1 milyong halaga ng ibat-ibang uri ng iligal na droga na nakalagay sa isang kahon  ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at  Philippine National Police (PNP) sa isinagawang anti-narcotics operation sa Parañaque City.

Kinilala ang dalawang nahuling suspek na sina Joel Ng, 48 anyos, negosyante sa #19 Muñoz St. Carmel 5 Subdivision, Tandang Sora, Quezon City; at kasamang si Marylou Gumban, 36 anyos sa Block 52, 10-29 Street, Villamor Airbase, Pasay City,.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, ang dalawang suspek ay nasakote ng mga tauhan ng PDEA Regional Office – National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa pamumuno ni Director Wilkins Villanueva at Parañaque City Police Station matapos nilang bentahan ng  400 ampoules ng Nalbin (nalbuphine), 6,400 piraso ng  Valium (diazepam) tablets, at 400 ampoules ng  Dormicum (midazolam) ang isang PDEA poseur-buyer sa  buy-bust operation na isinagawa sa isang parking area sa panulukan ng  LC Gatches at Kalaw Streets, Barangay BF Homes, Parañaque City.

Kinumpiska rin ang isang cellular phone at sports utility vehicle na ginagamit ng dalawa sa kanilang illegal drug transactions.

Ani Gutierrez, ang mga nakumpiskang gamot na kinabibilangan ng nalbuphine, diazepam at midazolam ay kabilang sa listahan ng  dangerous drugs na ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, dahil sa matinding side effects nito sa utak ng isang tao kapag inabuso.

Batay sa kanilang pakikipag ugnayan sa Food and Drug Administration, ang gamot na Nalbin ay sa ibang bansa pa nabibili kung kaya naniniwala silang imported ito at iniismuggle sa bansa, ayon kay  Gutierrez .

Dahil dito sina Ng at Gumban ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 26 (Conspiracy) in relation to Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), ng Article II ,  Republic Act 9165.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply